Yeng Constantino other songs:

Alaala lyrics - Yeng Constantino

Alaala, Alaala, Alaala
Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot
Ang mga sandali

Nagbabakasakali na
Muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang nawala
Huwag naman sana

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sinta

Alaala, Alaala, Alaala

Takbo ng oras ay kay bagal antayin
Darating kaya?
Tanong ng aking isip
Nakatulala sa isang tabi
Hindi maisip kung ano ang gagawin

Nagbabakasakali na
Hindi pa huli
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang nawala
Huwag naman sana

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako

Sayang naman kung mawalay pa
Tuluyan na bang mawawala?
Asahan mong maghihintay
Pa rin...

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sinta

Kaya Ko Ang Pagbabago lyrics - Yeng Constantino (with Quest)

Ito na ang simula ng pagbabago
Mula sa pagkadapa ako’y babangon
Isusulong ko’y adhikaing umunlad at makatulong
Para sa pamilya at sa kapwa

Lilinangin sa mga palad ang bagong pag-asa
Pasan ko sa balikat ang mga munting pangarap
At ang bawat hakbang ay papunta sa tagumpay
Ako ang papanday ng aking buhay

Dahil kaya koooo
Pagyamanin ang talino
(Kaya ko, kaya ko)
Sa Kapwa ay tumulong
(Kaya ko, kaya ko)
Lumingon ka sa paligid
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating abutin
Kaya natin ‘to
Kaya ko, kaya ko woo ooh ooh [2x]

[Quest:]
Alamin ang mga aral, pagyamanin ang talino
Para sa minimithing, layuning masayang pamilya
Malakas na pangagatawan
Mataas na antas ng edukasyon
Ng may maayos na pamumuhay
Nasa akin ang pagbabago

Kaya ko
Lumipad tulad ng lawin
(Kaya ko, kaya ko)
Mahalin ang kalikasan
(Kaya ko, kaya ko)
Ipakita ang galing ng aking lahi
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating makamit
Kaya natin ‘to
(yeah)

Kaya kong lampasan ang kahit anong pagsubok
Kasama ang programang sa ami’y nakatutok
Ang tibok ng puso’y malakas, may pag-asa
Maniwalang makaahon ang pamilya
Kaya kong abutin aking mga pangarap
Sa biyayang binahagi sa mahirap
Ang buhay ay nahanap, kayang umasenso
Kung masipag ka at porsigido
Dagdagan ng tiyaga, ako ang mag-uukit ng mga mithiin
Buhatin sa mga bisig ang pangarap,
Ambisyong makaahon at ang pamilya makabangon
Ng mabuhay ng maayos
Pagyamanin, tatalunin ang kahirapan
Talino at lakas, sandatang kong kailangan
‘Yan ang puhunan sa kaunlarang makatawid
Alam kong kaya ko sa biyaya mong hatid

Pagyamanin ang talino
(Kaya ko, kaya ko)
Sa Kapwa ay tumulong
(Kaya ko, kaya ko)
Lumingon ka sa paligid
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating abutin
Kaya natin ‘to

Lumipad tulad ng lawin
(Kaya ko, kaya ko)
Mahalin ang kalikasan
(Kaya ko, kaya ko)
Ipakita ang galing ng aking lahi
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating makamit
Kaya natin ‘to

Kaya ko, kaya ko woo ooh ooh

Paasa (T.A.N.G.A.) lyrics - Yeng Constantino

Akala ko may ibig sabihin
Ang paglike mo sa status ko sa Facebook
Nagrereply ka rin sa Twitter
Akala ko, ayun na
Pero nakita ko kahapon
May pinost kang iba
May kasama kang maganda
Ang sabi mo sa akin kaibigan mo lang siya

Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na crush kita
Pambihira o nung dati pa

May patanong tanong ka pa
kung sino yung nasa Facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sayo
Yung sana ako na lang ang girlfriend mo

Parang gusto ko ng sabihin
Ang feelings ko na tinatago sayo oh
Para na akong pulis makastalker
Sa profile mo, ano ba

Pero nang makita ko kahapon
Post mong may kasama ka
Ang mundo ko'y nag-iba
Pakiramdam ko boy chicks mo sya ha

Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na, crush kita
Pambihira o nung dati pa

May patanong tanong ka pa
kung sino yung nasa facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sayo
Yung sana ako na lang ang girlfriend mo

Iniisip ko tuloy, napaagaw ba
Paghihinala kong sakin may gusto ka
Nagmumukhang sira
Iniisip na, may ibig sabihin yung message mo

Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na, crush kita
Pambihira o nung dati pa

May patanong tanong ka pa
kung sino yung nasa facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sayo
Yung sana ako na lang ang girlfriend mo

Followers