Synesthesia (2018)




















 

Pinipigil lyrics - yeng constantino

 Hi ale di mo ako kakilala

Kung pwede lang sana

Makakwentuhan lang kita

Alam mo ale may lumalapit sa akin

Ayoko nang pansinin

Kaya lang nahuhulog na

Ano ang aking gagawin


Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa

Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa


Ohh ale kinikilig ako hala

Para na akong sira

Pano ba? Nahuhulog na

Ano ang aking gagawin


Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa

Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa


Nahuhulog na

Nahuhulog na

Nahuhulog na


Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa

Kung pinipigil (Pigil pigil)

Ko ang damdaming umibig (Ibig ibig)

Nanggigigil wag sana (Sana sana)

Mahulog pa ayoko munang umibig pa


Ooohhh ooohhh…

Ayoko munang umibig pa

Ooohhh ooohhh…

Ayoko munang umibig pa

Bakasyonista lyrics - yeng constantino

 Naaalala ko pa ang sabik na nadarama

'Pag sasapit na ang mayo, alam kung nandito ka

Magbabakasyon, makikita ka na


Kahit na 'di mo napapansin

Bata lang, tingin mo noon sa'kin

Hindi mapigilan ang sarili, pilit ang papansin

Mapasulyap ka lang nang naka-ngiti


Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin

Mula noon, tayo ay bata pa

Hindi pa rin naglalaho aking damdamin

Para sa'yo, hanggang ngayo'y ikaw pa rin


At ngayon, nandito ka na

Abot langit ang aking kaba

Parang kahapong alaala, ilang taon na ba?

Pareho pa rin, ng nadarama


Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin

Mula noong tayo ay bata pa

Hindi pa rin naglalaho aking damdamin

Pasa sa'yo, hanggang ngayo'y ikaw pa rin


Mga alaala nating bata pa

Dito sa puso at isip ko 'di mabura

Parang tadhana nang magkita tayong muli

Sana 'storya natin ay hindi pa huli


Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin

Mula noong tayo ay bata pa

Hindi pa rin naglalaho aking damdamin

Pasa sa'yo, hanggang ngayo'y ikaw pa rin


Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin

Mula noong tayo ay bata pa

Hindi pa rin naglalaho aking damdamin

Pasa sa'yo, hanggang ngayo'y ikaw pa rin

Ako Muna lyrics - yeng constantino

 Minsan, parang di pag-ibig ang sagot

Kahit na, sa pag-iisa ay nababagot

Aanhin, ko ang paghahanap ng magmamahal

Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya


Mabuti nang mag-isa

Nang makilala ko muna ang sarili

Pag-ibig muna, para sa akin

Mabuti nang mag-isa

Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi

Kailangan ko lang

Ako muna


Minsan, alam kong lungkot ay kakatok

Ngunit kailangan kong tatagan ang loob

Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal

Kung ang sarili ko'y mapapabayaan


Mabuti nang mag-isa

Nang makilala ko muna ang sarili

Pag-ibig muna, para sa akin

Mabuti nang mag-isa

Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi

Kailangan ko lang

(Ako muna)


Paano ko magmamahal

Kung 'di ko kayang mahalin ako

Ngayon, bukas, mapapagod din lang...


Mabuti nang mag-isa

Nang makilala ko muna ang sarili

Pag-ibig muna, para sa akin

Mabuti pang mag-isa

Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi

Kailangan ko lang

Ako muna

Ako muna

Haligi lyrics - yeng constantino

 Ang tagal na nating magkasama

Di pa rin tayo nagsasawa

Kahit walang ginagawa

Di nababagot kahit nakatulala


Minsan naiinis pag nag-aaway

Pero wala, di makapaghintay

Mag-usap kahit tungkol saan

Sige away-bati pero lagi lang nandiyan


Kahit na anong pagsubok pa ang madaanan natin

Walang pipigil sa 'tin

Kahit bumagyo o umulan sa pagsasama natin

Walang pipigil sa 'tin


Oh, haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig

Haligi ang pag-ibig ko


At lagi tayong nangangarap na

Tayo ay maglalakbay

Kahit na sa'n pa mapunta

Ang mahalaga lagi lang kasama ka


Kahit na anong pagsubok pa ang madaanan natin

Walang pipigil sa 'tin

Kahit bumagyo o umulan sa pagsasama natin

Walang pipigil sa 'tin


Oh, haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig

Haligi ang pag-ibig ko


Matibay

Dadamay

Hahawakan ko lagi ang iyong kamay

Magkasama lang maglalakbay


Kahit na anong pagsubok pa ang madaanan natin

Walang pipigil sa 'tin

Kahit bumagyo o umulan sa pagsasama natin

Walang pipigil sa 'tin


Oh, haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig

Haligi ang pag-ibig ko


Haligi ang pag-ibig ko, oh

Haligi ang pag-ibig ko, oh

Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig

Haligi ang pag-ibig ko

Tahimik lyrics - yeng constantino

 Sabi nila'y duwag daw ang katulad kong

Hindi maamin ang nadarama para sa katulad mo

Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay

Ng kapalit, at ng sukli, kahit sobra ang ibinigay?


Tatahimik na lang at mamahalin kita

Kahit na masakit, hindi na iimik pa

Mabuti nang hindi mo na lang malaman

Kaysa marinig ko sa'yo

'Di mo kayang mahalin ang katulad ko

Tatahimik na lang ang pag-ibig ko

Para sa'yo, para sa'yo


Kulang ko na lang sabihin, ako na ang martir ng taon

Pero 'di nila maintindihan na okey na'ko sa gano'n

Ang umibig at lumuha para sa isang tulad mong

Kahanga-hanga, kaibig-ibig, kahit wala namang napapala


Tatahimik na lang at mamahalin kita

Kahit na masakit, hindi na iimik pa

Mabuti nang hindi mo na lang malaman

Kaysa marinig pa sa'yong

'Di mo kayang mahalin ang katulad ko

Tatahimik na lang ang pag-ibig ko

Para sa'yo, para sa'yo


Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay

Ng kapalit, at ng sukli, kahit sobra ang ibigay?


Tatahimik na lang at mamahalin kita

Kahit na masakit, hindi na iimik pa

Mabuti nang hindi mo na lang malaman

Kaysa marinig pa sa'yong

'Di mo kayang mahalin ang katulad ko

Tatahimik na lang ang pag-ibig ko

Para sa'yo


Tatahimik na lang

Kulang lyrics - yeng constantino

 Iniisip mo na 'di ka, hindi ka sasapat

Dahil sa gusto niyang babae, 'di ka, 'di ka makatapat

Balingkinitang katawan

Balat na parang porselana

Ngiting nakakasilaw, mata niyang umiilaw

At ikaw


Simpleng babae lang

Ngunit alam mo bang


Wala sayong

Kulang kulang kulang

Wala sayong

Kulang kulang kulang

May makakakita sa tunay mong ganda

Basta alam mo sa loob ng puso

Wala sayong kulang

Ah ah ah ah ah

Kulang

Ah ah ah ah ah


Ninanais mo na sana

Sana magbago pa

Wala namang masama kung para

Para sa'yo lang talaga

Pero kung para sa iba

Dahil nais mong makita

Baka makalimutan mo ang katotohanan

Na ika'y


Simpleng babae lang

Ngunit alam mo bang


Wala sayong

Kulang kulang kulang

Wala sayong

Kulang kulang kulang

May makakakita sa tunay mong ganda

Basta alam mo sa loob ng puso

Wala sayong kulang

Ah ah ah ah ah

Kulang

Ah ah ah ah ah


Huwag mo nang pahirapan pa

Ang puso mo 'di kailangang mag-iba

Tumingin ka sa taas

Bubukas iyong mata kung sino ka talaga


Wala sayong

Kulang kulang kulang

Wala sayong

Kulang kulang kulang

May makakakita sa tunay mong ganda

Basta alam mo sa loob ng puso

Wala sayong kulang

Kulang


May makakakita sa tunay mong ganda

Basta alam mo sa loob ng puso

Wala sayong kulang

Pagpaparaya lyrics - yeng constantino

 Sasayangin pa ba ang oras

Hahawakan pa ba ang yong kamay

Meron maliwanag na oras

Masayang naghihintay


Bibitawan na

Wag na natin paasahin pa

Kung di rin natin kayang paninidigan humingin

Na lang ng tawad sa hanganan at tuluyan

Na tayong magpaalam


Bibilangin pa ba ang luha

Sasayangin pa ba ang pag loloka

Hindi na darating ang tawanan

Tama ang iyong kutob


Bibitawan na

Wag na natin paasahin pa

Kung di rin natin kayang paninidigan humingin

Na lang ng tawad sa hanganan at tuluyan

Na tayong magpaalam


Di ko alam pano ba napunta

Sasaliwang daan di ko inasahan na

Patawarin mo di ko sinadya


Bibitawan na

Wag na natin paasahin pa

Kung di rin natin kayang paninidigan humingin

Na lang ng tawad sa hanganan at tuluyan

Na tayong magpaalam at tuluyan

Na tayong magpaalam


OK Na 'Ko Pag Nawala Ka lyrics - yeng constantino

 Madalas mo akong tinatanong

Paano kung hindi na tayo magtagal?

Alam mong hindi naman ako sira

Noon pa, nadarama ko na


Kung gusto mong bitawan

Huwag ka nang magpaligoy-ligoy, sinta


Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi ko lang maalala

Mga ngiti mong kay tamis

Mga yakap at halik na hindi na maibabalik

Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi na tayo magkita

Paano pag mayroon nang iba

Talagang mahal mo siya


Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala


Unti-unti ko na ring napapansin

Para bang nawala na ang lambing

(Lambing)

Hindi ko na nakikitang masaya

Mata mo ay bigla nalang nag-iba

(Nag-iba)


Kung gusto mong bitawan

Huwag ka nang magpaligoy-ligoy, sinta


Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi ko lang maalala

Mga ngiti mong kay tamis

Mga yakap at halik na hindi na maibabalik

Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi na tayo magkita

Paano pag mayroon nang iba

Talagang mahal mo siya


Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala


Hindi na magtatagal

Ang pag-ibig na tumatabang

Hindi ipipilit na sumingit pa

Sa mundo mo na nag-iba

Paalam na


Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi ko lang maalala

Mga ngiti mong kay tamis

Mga yakap at halik na hindi na maibabalik

Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi na tayo magkita

Paano pag mayroon nang iba

Talagang mahal mo siya


Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi ko lang maalala

Mga ngiti mong kay tamis

Mga yakap at halik na hindi na maibabalik

Okay na ako pag nawala ka

Sana hindi na tayo magkita

Paano pag mayroon nang iba

Talagang mahal mo siya


Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala, lala, lala, lala, lala

Ako ay matutulala

Dasal lyrics - yeng constantino

 Ang daming tanong sa aking isipan

Na 'di alam kung saan huhugutin ang sagot

Sa libu-libong mga bagay kumakatok


Parang mga ulap na nakaharang

Sa araw na 'di makita kailan kailangan

Ngunit alam ko


Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan

Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan


Wala bang gamot sa aking dilim at poot na nadarama?

Kinakain ng lungkot, pag-asa kong tila inanod na


Parang mga alon na nilalabanan

At wala akong napapala, nauubusan

Ngunit alam ko


Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan

Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan


Kumakatok

(Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan)

Sa iyong pinto

(Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan)

Yakapin mo ang puso ko


Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan

Alam kong nandito ka

Kahit parang 'di ka lang madama

Galit at puro tanong ang tumatakbo

Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan


Kumakatok

(Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan)

Sa iyong pinto

(Sa aking isipan, ikaw lang ang kailangan)

Yakapin mo ang puso ko

Followers