Eto na, tara na
Laban natin to, handa ka na ba
Ano ba, Huwag ka na
Magpaligoy ligoy pa
Para sa atin to karangalan
Walang aatras sa laban
Ikaw, ako, lahat tayo kailangan
Ika’y aming inaasahan
Kumapit, tumayo, makibaka
Tumalon, sumigaw, magtiwala
Bayanihan, hindi ito pangkaraniwang
Di lang ng karamihan
Lahat kasama walang maiiwan
Handa ka na bang magdiwang
Takbo, bilis pa ng konti
Lalakasan pa naming ang aming boses
Ngayon natin patunayan lakas ng buong bayan
Lipad, di kailangan ng pasaporte
Bawat suntok, sabayan ng hiyaw
Tagumpay, lang ang sinisigaw
Isa lang ang daan, walang maliligaw
Huwag ka nang mag alinlangan, sige bitaw
Alam ko hindi madali
Hindi din kailangan magmadali
Pero kung gusto mong mapadali
Sipag, tiyaga, tiwala ang kapalit
Pitong libot isang daang dahilan
Bawat isla, Lahat bida
Isang daang milyong pangarap ang nakalaan
Isa lang ang nasa ring, partida
Isang Laban, Isang Bayan
Pagsigawan sa buong mundo ang karangalan
Isang Laban, Isang Bayan
Sama sama ang Pilipino
Angat sa buong mundo!
Diyos, Pamilya, Bayan
Ito lang ang iyong kailangan
Patnubay sa laban
Anu man ang larangan
Sige ibigay mo ng todo
Basta nasa tama ka, Oo
Hinding hindi ka maloloko
Pag dating sa pangarap, lahat ay deboto
Kaya kumapit ka, lapit pa
Sa hirap at ginhawa, kasapi ka
Sa istorya ng tagumpay, kabahagi ka
Huwag kang magalala maghahari ka
Sa puso ng sangkatauhan
Mga kritiko matatauhan
Timog, silangan, hilaga kanluran
Buong mundo kakampi mo walang duda
Isang Laban, Isang Bayan
Pagsigawan sa buong mundo ang karangalan
Isang Laban, Isang Bayan
Sama sama ang Pilipino
Angat sa buong mundo!
Isang Laban, Isang Bayan
Isang Laban, Isang Bayan
Isang Laban, Isang Bayan
Isang Laban, Isang Bayan...
No comments:
Post a Comment