Pasko Sa Pinas lyrics - Yeng Constantino

Nadarama ko na ang lamig ng hangin

Naririnig ko pa ang maliliit na tinig

May dalang tansang pinagsama-sama't ginawang tambourine

Ang mga parol ng bawat tahana'y nagniningning


Ibang mukha ng saya

Himig ng Pasko'y nadarama ko na


May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas

Ang kaligayahan nati'y walang kupas

Di alintana kung walang pera

Basta't tayo'y magkakasama

Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas


May simpleng regalo na si ninong at si ninang

Para sa inaanak na nag-aabang

Ang buong pamilya ay magkakasama sa pagawa ng Christmas tree

Ayan na ang barkada ikaw ay niyaya para magsimbang gabi


Ibang mukha ng saya

Himig ng Pasko'y nadarama ko na


May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas

Ang kaligayahan nati'y walang kupas

Di alintana kung walang pera

Basta't tayo'y magkakasama

Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas


Ibang iba talaga kahit saan ikumapara

May ibang ihip na hangin hindi maiintindihan

Mapapangiting bigla sa kung saan ano ang dahilan

Nadarama mo na ba? mo na ba? mo na ba?


May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas

Ang kaligayahan nati'y walang kupas

Di alintana kung walang pera

Basta't tayo'y magkakasama

Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas


May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas

Ang kaligayahan nati'y walang kupas

Di alintana kung walang pera

Basta't tayo'y magkakasama

Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

No comments:

Post a Comment

Followers