Kay sarap ng buhay nung araw
Maayos ang bihis ng lahat
Parang haplos ang ihip ng hangin
Pag may mga ideyal
Poesia ang ating agahan
May awit na kalong kung gabi
Sining ang lagi nang kapitbahay
Pag may mga ideyal
Kagandahan, katotohanan
Ang panlaban ko sa mundo
Wala akong takot, walang panlulumo
Bumaha man o bumagyo
Ang saya natin noon
Bakit natin sinira
Maibabalik ba natin
Ang mga araw na yun
Kagandahan, katotohanan
Ang panlaban ko sa mundo
Wala akong takot, walang panlulumo
Bumaha man o bumagyo
No comments:
Post a Comment