Diskaril lyrics - Kjah, Yeng Constantino & Raymund Marasigan

 Juskopo! Heto na naman muling magmamahal

Huling beses ginawa 'to muntik magpatiwakal (diskaril)

Pwede bang pigilan? puso makisama ka naman

May benda pa ang pinsala ng nagdaang kahibangan (diskaril)

Ako'y sawa na sa pangako, pagalit na tanga ko

Pagbibingi-bingihan sa kabi-kabilang payo (diskaril)

Ay nagdulot ng delubyo kala ko kaligayahan to

Ngiti isang minuto, lungkot ay dalawang siglo (diskaril)

Bakit ba, kahit na ang dinanas ay malala

Pag may dumating mas pinipili pa ring maniwala (diskaril)

Parang may paligsahan ang saya at kabiguan

Sa kasamaang palad, luha ang palaging lamang (diskaril)

Bagong tsansa nga ba o nagmamadali?

Malakas ang kutob, hindi ka pwedeng magkamali (diskaril)

Yan din ang sinabi mo noon at walang nakapapel

Tapos di mo namalayan, bigla kang nadiskaril (diskaril)


Nang sinubukan mo'y aminado kang marupok

Di pa alintanang pwede ka palang ma (diskaril)

Ito ang klase ng larong hindi maaarok

Kahit anong ingat walang takas pag na (diskaril)

Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok

Binabagabag na baka ako'y muling ma(diskaril)

Sinantabi ang pangamba, sa ngalan ng kahel

Umaasang sa piling mo'y hindi ma (diskaril)

Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado

Nakalimutan kong dati akong na (diskaril)

Binuhos ang buong tiwala

Wagas na pagibig na kamatayan lamang ang kayang maka (diskaril)

Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana'y surpresa

Ang katinuan ko ay agad na (diskaril)

Binalikan ka dala ang mamahaling baril

Ubos bala sa katawang mong madi (diskaril)


Bakit meron bang ganyan? Di ko maintindihan

Kahit na anong gawin

Kahit sa huli binigay mo lahat di napuno di sumapat


Nang sinubukan mo'y aminado kang marupok

Di pa alintanang pwede ka palang ma (diskaril)

Ito ang klase ng larong hindi maaarok

Kahit anong ingat walang takas pag na (diskaril)

Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok

Binabagabag na baka ako'y muling ma(diskaril)

Sinantabi ang pangamba, sa ngalan ng kahel

Umaasang sa piling mo'y hindi ma (diskaril)

Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado

Nakalimutan kong dati akong na (diskaril)

Binuhos ang buong tiwala

Wagas na pagibig na kamatayan lamang ang kayang maka (diskaril)

Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana'y surpresa

Ang katinuan ko ay agad na (diskaril)

Binalikan ka dala ang mamahaling baril

Ubos bala sa katawang mong madi (diskaril)


Diskaril

No comments:

Post a Comment

Followers