Hamon Ng Mundo lyrics - Yeng Constantino

 Buhay natin ay katulad ng isang pelikula

Sari-saring yugto, 'di mo agad makikita

Laging may simula at wakas ang istorya

Minsa'y nagpapaluha at nagpapasaya


Iba't ibang tema ang matutunghayan

At tunay ngang ang buhay natin ay ganyan


Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan

Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban

Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang

Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan


At hindi mo makikita kung ano ang dulo

Kung hindi mo susubukan bawat hamon sa'yo

Parang pelikula, kung minsan ay talo

Ngunit mayro'n namang kay dami ng gumugusto


Sadyang 'di mo alam ang bawat wakas

Araw ba ay sisikat sa pagdating ng bukas?


Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan

Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban

Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang

Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan


Oh, whoa, ooh-ooh

Whoa, oh, ooh-ooh


Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan

Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban

Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang

Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan

No comments:

Post a Comment

Followers