Sabihin Mo Na lyrics - Yeng Constantino

 (from "My Girl" soundtrack)


Gusto kong magpaliwanag sa'yo

Ngunit 'di kinakausap

Hindi ko maasahang diringgin mo

Nakatingala sa ulap


Alam kong nasaktan nanaman kita

Ngunit 'di ko naman sinasadya

Hinding hindi na mauulit'sinta

Sana'y maniwala ka


Sabihin mo na

Kung anong gusto mo

Kahit ano'y gagawin para lang sa'yo

Sabihin mo na

Kung papano mo mapapatawad


Ilang araw mo nang hindi pinapansin

Ilang araw ngang lilpas?

Nakatanga sa harapan na salamin

Naghihintay ng bawat bukas


Lahat naman tayo'y nagkakamali

Sinong 'di nagsasala

Ngunit papaano babawi

Sa pagkakamali

'Yun ang mahalaga


Sabihin mo na

Kung anong gusto mo

Kahit ano'y gagawin para lang sa'yo

Sabihin mo na

Kung papaano mo mapapatawad


Patawarin mo sana, sinta

'Di ko sinasadya


Sabihin mo na

Kung anong gusto mo

Kahit ano'y gagawin para lang sa'yo

Sabihin mo na

Kung papano mo mapapatawad


Sabihin mo na, sinta

Sabihin mo na

Kung papano mo mapapatawad

No comments:

Post a Comment

Followers