Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah
Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan para
Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang
Umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa'min
Nung unang panahon
Nagpaabuso na tayo sa Kastila
Nilapastangan ng mga Hapon
Ating kababaihan ay inalila
Bakit 'di pa tayo natuto dun?
Lumipat lang sa mga mukhang manika
Mga dura nila nilululon
Habang sumisigaw ng pagkadakila
Kailan kaya kita makikita
Na kay saya at tunay na malaya, ah
'Di ko gusto na iwan ka lang dito, pero
Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah
Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan para
Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang
Umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa'min
Kay dami nang mga santong nangako
Pero kabaong lang ang siyang kinahantungan
Nailibing ng lumaon lalo na't may mga taong
Parang manok kung manabong
Sadyang makukulit, kukulit, ulitin maitapon lang ang tama
Awa, nakakasawa
Para kang naiwan ng mag-isa sa lawa
Hawak ang lamang habang tawa ng tawa
Talo ka habang sila'y dama ng dama
'Di na ba tayo matututo
Ilan pa ba ang dapat na ipakong Kristo
Ng mga taga bantay na kunwari'y listo?
Harapan ang tanggi harap-harapang bisto
Is-is ka ng is-is, nipis ng panipis
Inis kakatiis sa ulam na panis
Bilis, tama na please
Mintis ka ng mintis
Bigkis sa'king paa't kamay 'di ko maalis
Sabihin mo darating ba ang araw na 'di ka takot
Iwanan ang mga mahal mo?
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo
Darating ba ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
'Pag tinatanong ang karapatan mo
Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah
Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan para
Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang
Umangal kasi gano'n talaga
Sabihin mo darating ba ang araw na 'di ka takot
Iwanan ang mga mahal mo?
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo
Darating ba ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
'Pag tinatanong ang karapatan mo
Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah
Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan para
Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang
Umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa'min
No comments:
Post a Comment